ILANG araw na lamang at babawiin na ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine ( ECQ) sa ibang lugar sa Pilipinas.

cycling

At sa buhay na tinatawag na "new normal", kaisa ang organizers ng  Le Tour de Filipinas sa programa na gamitin ang bisikleta bilang alternatibong transportasyon.

Pinangunahan ng mag-ama na si  LTdF Founder Alberto Lina at ng  Presidente nito na si Donna Lina  ang nasabing panghihikayat.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Using the bicycle or similar two-wheeled vehicles is advocated globally. The experts are correct, there is physical distancing when you are riding your bicycle,” pahayag ng nakakatandang Lina,  Chairman din ng PhilCycling.

Ayon naman kay Donna, presidente ng LTdF,  na pangunahing adbokasiya ng grupo na hindi lamang magamit sa kompetisyon ang bisikleta ngunit maging isa sa pinakamabisang transportasyon at makatutulong sa kalusugan ng mga mamamayan.

“It has always been our advocacy for cycling not only as a competitive sport, but a healthy mode of transportation,” ani Lina.

Makakatulong din umano ang bisikleta sa panahong ito habang wala pang nailalabas na gamot kontra sa  Covid-19.

“There is no guarantee for a virus-free public transportation system. Many people, if not all, would be reluctant to ride jeepneys, buses and trains, even taxis,” ani Lina.

Umaasa rin ang mag-amang Lina na papaboran ng gobyerno ang nagkakaisang aksyon sa pamamagitan ng Department of Transportation at ng mga  local government units (LGUs).

Nakatakda sana na isagawa ang ikalabing isang edisyon ng Le Tour de Filipinas noong Mayo 1-5 kung saan tampok ang Category 2.2 race sa  International Cycling Union calendar at gagawin sana sa rehiyon ng Ilocos.

Ngunit,  dahil sa paglaganap ng nasabing virus, kanselado ang lahat ng sports activities sa bansa. ANNIE ABAD