MAY aral bang nakuha sa kasalukuyang krisis na kinakaharap ng bansa, higit sa ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ)?

RAMIREZ: Ipagbunyi ang atletang Pinoy.

RAMIREZ: Ipagbunyi ang atletang Pinoy.

Para kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William "Butch" Ramirez, sa kabila ng mga negatibong naging dulot ng nasabing virus sa buong mundo, may magandang aral na naiparating sa pamilyang Pinoy.

Ayon sa PSC chief, ito ang pinaka-angkop na panahon upang muli tayong kumunekta sa ating pamilya lalo na sa ating mga magulang at mga pamilya at ito rin ang pinakamagandang panahon upang pagnilayin ang ating pananampalataya.

'Impeach Sara!' Ilang progresibong grupo nagkilos protesta sa harap ng Kamara

"This crisis is an opportunity for us to learn so many beautiful lessons in life," pahayag ni Ramirez. "Getting connected back to your parents, to your family, your attitude towards your spirituality and your reflections and that life can be short," aniya.

Bago ipatupad ang ECQ, naipahayag ng PSC na kanselado ang lahat ng mga sports activities ng nasabing kumisyon, kung kaya naman tiwala siya na ang lahat ng mga atleta ay nakauwi ngayon sa kani-kanilang mga tahanan.

Naniniwala si Ramirez, na ibayong disiplina pa rin ang isinasagawa ng mga atleta kahit pa nasa loob lamang ito ng kani-kanilang mga tahanan.

Ang ibang mga national athletes naman na nanatiling nasa pangangalaga ng PSC sa Baguio at sa Philsports Arena ay patuloy na nagsasagawa ng kanilang pagsasanay sa kanilang sariling pamamaraan.

"We will follow the directions of the national government by staying at home and getting fit. So continue to take good care of yourself, stay healthy and fit because your physical and emotional well-being are important, for you to contribute well to our society," pahayag ni Ramirez.

Sa kasalukuyan ay mananatiling kanselado ang lahat ng mga sporting events sa ilalim ng pangangasiwa ng PSC bilang pagsunod na din sa kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) bilang pag-iwas na rin sa paglaganap ng COVID-19. ANNIE ABAD