SINIGURO ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William "Butch" Ramirez na patuloy na makakatanggap ng kanilang allowance ang mga para-athletes.
Ito ang ipinahayag kahapon ni Ramirez sa gitna nang pagkansela ng hosting ng 10th ASEAN Para Games ngayong taon dulot ng krisis sa COVID-19.
"There are frustrations on the cancellation of the ASEAN Para Games, but Para athletes' health come first. We will take good care of your allowances despite this difficulty," ayon kay Ramirez.
Ayon sa PSC Chief, hindi madali ang naging desisyon ng Board na ihinto ang pinansyal na suporta para sa nasabing event, ngunit ito sa ngayon ang mainam na paraan upang patuloy na masuportahanan ang mga atleta.
"We have to help them, pero wala tayong magawa eh!. Coronavirus is lethal. These things are our concern. Hindi natin sila pinapabayaan, the same as what we are giving to our regular athletes, " aniya.
Sinabi ni Ramirez na ngayon masusubok ang katatagan ng mga atleta sa ganitong panahon ng krisis.
Kaya naman naniniwala siya na mauunawaan ng mga atleta ang anumang desisyon na ipagpaliban ang mga sports events hanggang sa Disyembre.
"The training that you have , the discipline, the values and the character you formed during the years of training become virtues which help you while being testes during this crisis," pahayag ni Ramirez.
Sinabi rin ni Ramirez na habang walang siguradong gamot o bakuna para sa mga atleta ay malabong magkaroon ng national at international sporting event
"Ako'y natatakot na habang walang vaccine, mahirap mag-conduct ng national at international sports event," pahayag ni Ramirez. ANNIE ABAD