IGINIIT ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na malaki ang maitutulong ng pera na kikitain sa muling pagbubukas ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) para sa pakikibaka ng pamahalan sa krisis na dulot ng mapamuksang Coronavirus (COVID-19).

pagcor

Ayon kay PAGCOR CEO and Chairman Andrea Domingo, binigya nila ng pagkakataon na muling makapag operate ang POGO batay sa ilang mga kondisyon para masiguro ang kaligtasan ng lahat laban sa Covid-19.

Bago tuluyang makapagbalik operasyon ay kinakailangan muna na sundin ng isang POGO owner ang mga pre-requesite na nilatag ng ahensiya tulad ng mga sumusunod: 1) pag update at pag sasaayos ng tax liabilities. 2) pag update ng bayad sa kahit anong regulatory fee, license fee, performance bond o penalties 3) remittance sa regulatory fees para sa buwan April; at 4) at kinakailangan na makapasa sa kahandaan na ipatupad ang safety protocols.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ayon kay Domingo, ilan sa mga safety measures na kanilang ipatutupad ay ang 30 percent workforce per shift; shuttle services para sa mga empleyado mula bahay hanggang opisina; temperature checks mula pagpasok at sa mismong loob ng opisina; pag papanatili ng social distancing; proper sanitation at disinfection; gayundin ang pagsususuot ng mask.

Samantala, ang mga empleyado naman na kompirmado o yung kabilang sa mga suspected at probable cases ay hjndi papayagamg makapag trabaho gayundin ang mga may sakit at senior citizens. Ang mga makakabalik naman sa trabaho ay kinakailangan sumailalim sa Covid-19 test.

Dapat din, ayon sa PAGCOR, na may Isolation Room ang mga ito sakaling may empleyado na magpakita ng sintomas ng sakit. Tiniyak ni Domingo na sa kabila ng pagbubukas ng POGO,  prayoridad nila ang kaligtasan ng mga manggagawa.