IDINULOG ng Philippine Paralympic Committee (PPC) ang kasalukuyang sitwasyon ng hosting ng 10th ASEAN Para Games (APG) sa ASEAN Para Sports Federation (APSF) upang kagyat na maabisuhan ang lahat ng mga miyembro ng fedearsyon.
Kamakailan, ipinahayag ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagpapatigil ng lahat ng sports activities, kabilang na ang Aseam Para Games, ngayong taon hangga’t hindi nasisiguro ang kaligtasan ng mga atleta mula sa COVID-19.
Bagama't isa itong nakakalungkot na desisyon, ay nauunawan naman umano ng PPC ang naging desisyon ng PSC sa kabila ng mga pag-eensayo na ginagawa ng mga local at ASEAN para-athletes, ay mahalaga pa rin na unahin ang kapakanan at kaligtasan ng mga manlalaro, pati na ng kanilang mga coaches at mga miyenbro ng koponan.
Alam din umano ng PPC na hindi madali ang naging desisyon na ito ng PSC at sang-ayon din sila na kailangan muna na unahin ang kaligtasan ng nakararami kung kaya pinaboran din nila ang pagpapahinto muna ng mga sports events sa taong ito.
"We will continue to monitor the situation and adjust to government directives. Our hearts and prayers go to our local and ASEAN para-athletes and the entire Paralympic community, and those who have toiled and labored for the past two (2) years such as our stakeholders, sponsors, business groups, sports advocates, office workers, administrative staff, and countless volunteers who have committed to make the APG a lifelong experience for all of us. We shall continue to develop Para Sports and further the Paralympic Movement," ayon sa pahayag na ipinadala ng pamunuan ng PPC. ANNIE ABAD