ANG paghihigpit ng sinturon sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa bunsod ng Coronavirus ang siyang isinaalang-alng ng pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC).

Nagkasundo ang PSC Board sa pangunguna ni PSC chairman William "Butch" Ramirez na kanselahin na hanggang sa Disyembre ang mga multi-sports events na dapat sana ay nakatakda pagkatapos ng kasalukuyang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

psc

Ang desisyon ay pagsunod na rin sa ipinapatupad ng  Department of Budget Management (DBM) sa mga proyekto na pansamantalang mahihinto o ang National Budget Circular 580 at ang Inter-agency Task Force (IATF) nagsasaad na pagbabawal sa anumang aktibidades pagkalipas ng nasabing ECQ.

'Impeach Sara!' Ilang progresibong grupo nagkilos protesta sa harap ng Kamara

Dahil dito, maging ang suportang pinansyal para sa 10th ASEAN Paragames ay napagdesisyunan na hindi na ipagpatuloy, bagama't handa pa rin sila na tustusan ang mga naunang operasyon ng organizing committee ng nasabing torneo.

Ngunit, sa kabila nito ay siniguro naman ni Ramirez na patuloy ang buong suporta ng komisyon para sa lahat ng miyembro ng national team.

“We heed the call of the national government to cut expenses as we reroute majority of our resources to fighting the pandemic, but we also stand by our commitment to keep supporting members of the national team,” pahayag ni Ramirez.

Ipinahayag din ni Ramirez na mananatili ang naunang ipinatupad na alituntunin hinggil sa pagpapalabas ng mga allowance para sa national athletes at mga coaches.

Kasabay nito, muli siyang nagpasalamat sa PAGCOR  para sa kanilang suporta sa naturang ahensiya sa kabila malaking bahagi ng kita nito ay apektado dahil sa lockdown.

“We continue to study projections and proposals and the board is ready to take necessary actions should they be needed,” ayon pa kay Ramirez.

Kasama sa nasabing on-line meeting sina  commissioner Celia Kiram, Ramon Fernandez, Arnold Agustin at Charles Maxey kasama sina   Executive Director Merly Ibay, Deputy Executive Directors Dennis Rivera at Atty. Guillermo Iroy,  gayundin si Chief of Staff Marc Velasco. ANNIE ABAD