SINGAPORE – Ipinahayag ng ONE Championship ang kauna-unahang ranking para sa mga atleta sa piling weight category sa Mixed Martial Arts, Muay Thai, at Kickboxing.

Nakatakdang maglabas ng rankings sa iba pang kategprya sa mga susunod na araw.

MATIKAS na nakihamok si Adiwang na kinagiliwan ng ONE FC management.

MATIKAS na nakihamok si Adiwang na kinagiliwan ng ONE FC management.

“It is with great excitement that I announce the inaugural ONE Championship Official Rankings. The rankings will bring more clarity and transparency for our athletes as they chase their dreams for a world championship title. Fans can also follow their favorite athletes and their journeys more closely as they climb or fall in the rankings,” pahayag ni Chatri Sityodtong, Chairman and CEO of ONE Championship.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Ibinatay ang pagbibigay ng ranking sa fight record, kalidad ng kalaban at kasalukuyang pwerformance ng mga fighters. Isang grupo na binubuo ng sports media at industry experts ang nagsasagawa ng rankings.

Makikita ang ranking ng mga paborito ninyong gighters sa www.ONEFC.com at  ONE Super App.

Kabilang sa panel sina Tom Taylor - BJPenn.com, Stewart Fulton - MMA in Japan, Nicolas Atkin - South China Morning Post, Ian Shutts - Lowkick MMA, Santino Honasan - ABS-CBN; JM Siasat - GMA Network; Manabu Takashima - MMA Planet; Yuji Kitano - Abema TV Japan; James Goyder - AsianMMA.com;  Marcelo Alonso - Tatame Magazine;  Sazali Abdul Aziz - Straits Times; Worapath Arunpakdee - Thairath TV ; Poptorn Roongsamai - Champ Magazine; Wanlop Sawasdee - MGR Online; Adam Kayoom - Former Athlete; Ann Osman - Former Athlete; Rich Franklin - Former Athlete at Miesha Tate - Former Athlete