TUNAY na pasanin sa sambayanan ang paglabas sa tahanan sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), ngunit kailangan kahit saglit upang matugunan ang pangangailangan tulad ng pagkain at iba pang essential sa tahanan.
Mas nakaapekto rin ang pansamantalang pagsasara ng mga mga retail stores, malls, at restaurants bilang bahagi ng pag-iwas sa paglaganap ng Coronavirus (COVID-19).
At sa paglabas para bumili ng pagkain, kailangan ding sundin ang physical distancing.
Hindi sinasadya, ang kaganapan ay nagbigay naman ng pagkakataon upang maging bahagi ang industriya ng e-Commerce upang matugunan ang pangangailangan ng sambayan na hindi kailangang pang umalis ng kanilang tahanan.
Kabilang sa maaasahan sa online shopping ang J&T Express, ang nangungunang e-Commerce delivery company sa Southeast Asia. Sa pamamagitan ng kanilang “Unsung Heroes on Two Wheels” program, makakamit ng mamimiling Pinoy ang kinakailangang pagkain, groceries, at iba pang pangangailangan na hindi kailangang pagng umalis sa kani-kanilang tahanan.
Sa paglaban sa COVID-19, kailangan ng sambayanan ang facemasks, gloves, alcohol, at iba pang protective and precautionary equipment. At makukuha ito sa pamamagitan ng door-to-door delivery ng J&T Express.
May kabuuang 400 branches sa buong Pilipinas ang J&T Express na bukas para pagsilbihan ang sambayanan.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang J&T Express sa official FB Page at https://www.facebook.com/jntexpressphilippines.