KABUUANG 25,000 kgs. ng Dona Maria Jasponica brown rice mula sa SL Agritech Corporation (SLAC), nangungunang tagapagtaguyod ng hybrid rice company sa bansa, ang naipamahagi sa iba’t ibang foundations, hospitals at frontliners, sa hangaring matulungan ang sambayanan na mapalakas ang immune system sa panahon ng paglaban sa COVID-19.
Kabilang sa naging kaagapay ng kompanya ang GMA Kapuso Foundation, Quezon City local government at online food community Let’s Eat Pare.
Naniniwala si SLAC Chairman and CEO Dr. Henry Lim na ang pagkain ng brown rice ay makatutulong sa pananatiling malusog na katawan ng Pinoy sa gitna ng pendemic na CoronaVirus.
Batay sa pag-aaral, naglalaman ng phytonutrients at vitamins A, C at E at selenium ang brown rice. Matagal nang inirerekomenda ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ang pagkain ng broen rice higit sa nakaugaliang white rice.
“There is a good number of articles, both locally and internationally, that underscore the health benefits of eating brown rice. Now that we are up against a pandemic, it is imperative that we have a healthy diet to boost our immune system,” pahayag ni Dr. Robert Michael Gan, internist and endocrinologist ng Metropolitan Medical Center at Makati Medical Center.
Bukod sa brown rice, nagbigay din ng kabuuang 100,000kgs. ng white rice ang kompanya sa partner organizations, gayundin ang 7,000 packs snack food product Doña Maria Brown Rice Puff at 3,000 servings ng ready-to-eat meals sa ilang ospital tulad ng UP-Philippine General Hospital at Dr. Jose M. Rodriguez Memorial Hospital, gayundin sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), UERM Memorial Hospital at University of Sto. Tomas Hospital.
“We at SL Agritech view ourselves as citizens of a single global village, especially in times such as this COVID-19 pandemic. We try our best to help alleviate the unfortunate conditions of our countrymen and to provide aid wherever and whenever we can. During these uncertain and challenging times, we remain committed to helping ensure food supply, especially for our frontliners and our fellow Filipinos with scarce resources. Together, we can heal as one,” sambit ni Lim.
Nitong August 2019, pinagkalooban si Lim ng Order of Lakandula na may rangong Marangal na Pinuno ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang kontribusyon sa pagangat ng ekonomiya ng bansa.