IGINIIT ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na naibigay na ng ahensiya ang obligasyon nito sa Philippine Sports Commission (PSC) bago pa man nalagay sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region bunsod ng lumalalang COVID-19.

DOMINGO

DOMINGO

Sa opisyal na pahayag kamakailan, sinabi ng PAGCOR na naibigay na sa PSC nitong Marso 31 ang kabuuang P150.75 milyon na mandato ng ahensiya para sa buwan ng Pebrero.

Napirmahan na rin at handa na ang tsekeng P99.42 milyon para sa buwan ng Marso. Para sa kasalukuyang taon, kabuuangP409.01 milyon ang naibigay ng PAGCOR sa PSC para sa unang quarter ng taon.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Ang pahayag ay isang paglilinaw, ayon sa PAGCOR matapos magpahayag si PSC Commission Ramon Fernandez na hinihintay nila ang pondo ng PAGCOR para maisakatuparan ang planong Social Amelioration Program para sa mga atleta at coach.

Ianmin ng PAGCOR na mas mababa ng 4.7% ang revenue ng ahensiya ngayon taon kumpara sa nakalipas na taon bunsod ng pagbaba ng revenue ng ahensiya dulot sa pagkakasara ng mga casino at on-line gaming busndo ng COVID-19.

Ngunit, noong 2019, kabuuang P1.79 billion ang naibigay ng PAGCOR sa PSC. Kabilang sa naibigay ng state-gaming agency ang P842 million grant para sa rehabilitation ng Philsports Complex Multipurpose Arena and Rizal Memorial Complex para sa hosting ng 30th Southeast Asian Games.

“It is clear that PAGCOR has not been remiss of its financial commitments to its mandated beneficiaries like the PSC. The state-gaming agency is doing its best to continuously be of service to the nation, especially in this difficult time,” ayon sa PAGCOR.

“In fact, aside from its remittances to PSC and other mandated contributions, PAGCOR has already contributed a total of P26.5 billion to the government from March to April 2020 to help fight the pandemic.” ANNIE ABAD