SA kabila ng pagkakahinto ng mga ensayo at kompetisyon para sa mga national athletes bunsod ng nakamamatay na Coronavirus, matibay ang suportang ibinigay ng Philippine Sports Commission (PSC).

RAMIREZ

RAMIREZ

Bukod sa paniniguro ni PSC chairman William "Butch" Ramirez na hindi mapuputol ang mga allowances at sweldo ng mga national athletes, coaches at mga empleyado, heto at panibagong suporta na naman ang pinag-aaralan ng nasabing ahensiya ng gobyerno upang patuloy na makatulong sa tinagurisng bayani ng bayan.

Nagsagawa ng video conference Board meeting ang mga opisyal ng PSC, sa pangunguna ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez upang pag-usapan ang Social Amelioration Program na kanilang nais na ipatupad para sa mga national athletes at coaches.

'Impeach Sara!' Ilang progresibong grupo nagkilos protesta sa harap ng Kamara

Sinabi ni PSC Commissioner Ramon Fernandez sa panayam ng Balita, na wala pang partikular na halaga kung magkano ang maipagkakaloob ng PSC bagama't siniguro niya na lahat ay makatatanggap.

"Pinag-aaralan ng accounting, how much, considering that we are not getting funds yet from PAGCOR since its operation stop,” sambit ni Fernandez.

Ayon pa sa kanya, alinsunod sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte, na lahat ay kailangan na maayudahan, kaya siniguro niya na lahat ay kabilang sa naturang SAP ng PSC.

"Yes, as per President Duterte, nobody should be left out," ayon sa PBA legend. ANNIE ABAD