TULOY ang MILO Sports Clinics – pinakakomprehensibong grassroots sports program sa bansa – sa kabilang ng ipinatutupar na Enhanced Community Quarantine bunsod ng COVID-19.

milo

Mula Abril 20 hanggang Mayo 15, isasagawa ang  MILO Sports Clinics Online upang maipagpatuloy ang pagtuturo sa kabataan ng sports na nais nila kahit sa sarili nilang tahanan. Makakasama pa ng mga magulang ang kanilang mga anak para matutunan ang basics at fundamentals ng sports na basketball, volleyball, taekwondo at gymnastics nang libre.

Ang online sports clinics ay bahagi ng MILO Home Court initiative sa panahon na kinakailangang manatili ang mga kabataan sa kani-kanilang mga tahanan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Bringing our signature Sports Clinics online will enable parents to hone their kids’ skills safely, and will help nurture lifelong character-forming values such as discipline, hard work, and self-confidence,” pahayag ni Luigi Pumaren, MILO Sports Executive. “Now more than ever, we need to keep the safety and wellness at the forefront. We are doing this to inspire kids to never give up on their dreams of becoming tomorrow’s champions.”

Pangangasiwaan ang program ng mga MILO’s expert coaches at partnes tulad nina MILO Champions Kiefer Ravena at magkapatid na Juan at Javier Gomez di Liano.

Mangunguna naman ang Club Gymnastica, ang  gymnastics school na pinagmulan ni SEA Games gold medalist Caloy Yulo, sa gymnastics program, habang ang Philippine Taekwondo Association (PTA), sa pangunguna ni Pauline Lopez, ang mangangasiwa sa taekwondo class.

Makakalahok ang lahat sa pamamagitan lamang ng pagbukas sa MILO Philippines’ Facebook page at sports organizers’ YouTube channels para sa libreng online sessions.

“With the fun recreational activities that they can do together in MILO Sports Clinics online, we hope to uplift the spirits of Filipino families. We are excited to see how kids and parents grow their bond through sports,” sambit ni Pumaren. “MILO deeply appreciates the commitment of its sports partners the BEST Center, PTA, and Club Gymnastica, in making this endeavor possible.”