WALA pang katiyakan kung matutuldukan na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

DIDAL kasama si Hidilyn Diaz (kanan).

DIDAL kasama si Hidilyn Diaz (kanan).

Ngunit para sa atletang Pinoy, ang kaganapan ay hindi dahilan para matigil ang kanilang pagsasanay at paghahanda para sa nakalinyang kompetisyon, kabilang ang naunsiyaming Olympucs.

Para kay skateboard athlete Margielyn Didal, hindi naging madali sa kanya ang hamon ng nasabing sitwasyon bunsod nang mapamuksang COVID-19.

'Impeach Sara!' Ilang progresibong grupo nagkilos protesta sa harap ng Kamara

Hindi pa man nakakabawi buhat sa 14-day self-quarantine ay agad naman idineklara ang pagpapalawig ng Community Quarantine sa Cebu City kung saan nakabase ang 20-anyos 2018 Asian Games gold medalist.

Gayunman, nais lang ni Didal na makasama ang ilang mga kaibigan pagkatapos ng nasabing quarantine at muling magsanay para sa mga Olympic Qualifying Tournament na kanyang lalahokan.

"Pagkatapos ng COVID? Baka skate with friends then chill, tapos balik ulit sa ensayo," ayon sa 2019 SEA games multi-medalist.

Samantala, isa sa mga sasabak sa Olympics ang boxer na si Irish Magno ay kasalukuyang nasa athletes quarters ngayon sa Baguio City kung saan inabutan siya ng ECQ.

Plano ni Magno  na umuwi sa kanilang probinsya upang makasama ang kanyang pamilya.

“After po nitong quarantine, gusto ko po sanang umuwi sa probinsya. Gusto ko pong makasama 'yung pamilya ko kahit one week lang po. Hindi pa po sure depende po kung papayagan po po ako. Pero sana po matuloy," pahayag ng 29-anyos na tubong Iloilo City.

Ang unang Filipino Olympic qualifier naman para sa 2020 Tokyo Olympics ang pole vaulter na si  EJ Obiena, ayon sa kanyang ina na si Jeanette ay kasalukuyan pa rin nakahimpil sa Italya na naka lockdown pa rin.

"Nakalockdown pa rin po doon at doon lang po siya sa bahay nagwo-workout. Pero naka standby po siya kasi as of now po December 2020 ang start ulit ng qualifying para sa 2021 Olympics," ayon naman sa ina ni Obiena.

Ang gymnast na si Caloy Yulo naman ay nagpahatid ng mensahe sa pamamagitan ng kanyang ina, kung saan paghahanda pa rin sa Olimpiyada ang kanyang gagawin sa oras na matapos ang nasabing quarantine.

"Training na malupitan pa din," pahayag ni Yulo s akanyang FB message.  Annie Abad