NAKIBAHAGI rin si national fencing team member at  Ateneo Lady Eagle Maxine Esteban sa programa para tulungan ang medical frontliners at mga komunidad na apektado ng coronavirus (COVID-19) pandemic.

ESTEBAN

ESTEBAN

"Well, at first I wanted to make my break productive. I really thought of how I can do my part as a Filipino citizen and as a national athlete to help out our frontliners," pahayag ng 19-anyos Ateneo sophomore, bahagi ng Team Foil squad na nagwagi ng bronze medal sa 2019 Southeast Asian Games.

"I feel like the youth has to actively participate and take part in helping the government find ways to reach out to the medical frontliners and the affected communities,” aniya.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Nitong April 10, ang 19-anyos kasama ang mga kapatid ay naglunsad ng "A Small Thing Goes A Long Way" fund-raising drive.

Sa loob lamang ng isang linggo, nakalikom si Esteban ng P339,000.70 cash at 50 pieces COVID-19 Uratex pillows at 92 bottles ng alcohol.

"I was really surprised because I saw Ate Hidilyn [Diaz] raise funds also that is why I started one as well. I think she reached almost one-hundred thousand pesos. So I was surprised when I saw my friends donating a lot and some people I don't even know," pahayag ni Esteban, UAAP Season 81's Rookie of the Year at Most Valuable Player sa women's fencing.

Kabilang sa mga nakatanggap ng tulong mula sa "A Small Thing Goes A Long Way" ang UST Hospital, UERM Memorial Hospital, at National Children's Hospital, gayundin ang mga komunidad sa San Juan City. Bukas pa ang programa at tumatanggap ng tulong hanggang Abril 26.

Sa mga nagnanais na makilahok, ipadala ang tulong sa

BDO Wilson Street na may Account number: 6580077300

ay Account name: Maxine Isabel Esteban