ANTONIO: On-line chess king

ANTONIO: On-line chess king

PINAGHARIAN ni Grandmaster (GM) Rogelio ''Joey' Antonio Jr. , 13-time Philippine Open champion, ang 3rd Cesar Orbe Memorial Chess 960 Series o Fischer-Random Online Tournament nitong Miyerkoles

Nakontrol ni Antonio ang overall lead sa five-leg event na inorganisa ni National Chess Federation of the Philippines executive director Atty. Cliburn Anthony Orbe bilang pagbibigay pugay sa kanyang butihing ama.

Ang Quezon City resident Antonio ay tinalo si Jan Roldan Oriendo ng Marikina City sa final round para tumapos ng 8.5 points sa 11 games.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nagpakitang gilas din sina Fide Master (FM) Arden Reyes ng Rodriguez, Rizal, Ellan Asuela ng Bacolod City, John Michael Silvederio ng Iloilo at Fide Master (FM) Alekhine Nouri ng Escalante City, Negros Occidental matapos makapagtala ng parehas na iskor gaya ng kay Antonio na nakamit ng huli ang titulo dahil sa mataas na tiebreak score.

Dahil ditto, ang Calapan City, Oriental Mindoro native na si Antonio, winner ng  inaugural leg ng online series ay muling nakuha ang liderato kay Fide Master (FM) Sander Severino ng Silay City, Negrps Occidental, na naghari naman sa leg na may 10 points.

Si Severino, ang four-gold medalist sa 2018 Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia ay may 8.0 points dahil sa kanyang second-place effort sa second leg.

Magkasalo naman sina Grandmaster (GM) Darwin Laylo ng Marikina City at Reyes sa 3rd at 4th places na may tig 3.0 points.

'I got lucky again',  sabi ng 58-year-old Antonio, ang 2017 Acqui Terme, Italy World Seniors Vice-Champion.