PATULOY ang Adamson University sa relief efforts pata tulungan ang frontliners sa paglaban sa coronavirus (COVID-19) pandemic, gayundin sa mga komunidad na nasa ilalim ng enhanced community quarantine.

ADAMSON LADY FALCONS

ADAMSON LADY FALCONS

Nitong Huwebes, ginamit ng Adamson ang dalawang school bus para gamitin bilang service ng medical staff ng Makati Medical Center.

Ang isang bus ay bumibiyahe mula MMC hanggang Paliparan-Molino Road, habang ang isa ay may pick-up point sa LRT Monumento Station.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"We are deploying two buses daily to transport the staff of Makati Medical Center. Wala kasing public transport right now. To help them get to work and home safe, we gave them our buses," pahayag ni Adamson's representative to the Board of Managing Directors Fr. Aldrin Suan, CM.

Bukod dito, binuksan din ng Adamson ang eskwelahan upang magamit ang dormitory ng woman’s volleyball team na pahingahan ng medical workers mula sa Philippine General Hospital.

"Twenty-four to thirty PGH staff ang nakatira dun ngayon. We are giving them accommodation and also food nila. Every week, a new group comes in kasi pag-duty nila one-week yun, then they will rest for another week so a new group comes in after that," sambit ni Suan.

Patuloy din ang ginagawang relief operation ng mga student-athletes na nanunuluyan sa Adamson upang makapagbigay tulong sa mga komunidad na nasalanta ng COVID-19.

Kabuuang 62 student-athletes mula sa softball, women's basketball, pep squad, football, at baseball varsity teams ang inabutan ng Enhance Quarantine sa Adamson.

"Tuloy-tuloy yun kasi within Manila, we are regularly helping out one hundred sixty families in Manila. Tapos may mga pocket communities din from Valenzuela, Paranaque, and neighboring communities that we give goods also. Also, we give five hundred packed meals daily to the homeless na dating nakatira in Luneta. They are now living along Taft Avenue, Kalaw, until the Manila City Hall. We give them five hundred regular meals daily,"  pahayag ni Suan.

"With that, the student-athletes here took the initiative to be in charge sa packaging. Sila yung nag-lealead sa donation drive natin."