HINDI balakid ang kasalukuyang ‘enhanced quarantine program’ para hindi makapagpatuloy sas kanilang pag-eehersisyo ang kabataang Pinoy.

ALYSSA VALDEZ

ALYSSA VALDEZ

Hinikayat MILO Philippines ang mga kabataan na manatiling aktibo sa kabila ng pananatili sa kani-kanilang tahanan sa pamamagitan ng pagsali sa programang  Champion LIVE, isang oras na live exercise routine sa Instagram.

Ang social media-based exercise activity ay bahagi ng MILO’s new online program.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We at MILO recognize the importance of leading an active lifestyle for children to grow up healthy and strong,” pahayag ni MILO Sports Executive Lester P. Castillo. “It is crucial to instill the habit of daily exercise at a young age. And now with the help of technology, kids can enjoy home-based drills with their sports idols.”

Ayon sa Global Recommendations on Physical Activity for Health by the World Health Organization (WHO), ang mga kabataan na may edad 5 pataas at kailangang sumailalim sa physical activity, tulad ng exercise, sa loob ng 60 minuto araw-araw. Ang ehersisyo ay nakatutulong para mapanatiling malusog ang pangangatawan.

Sa gabay ng mga magulang, makakalahok ang mga bata kasama angkanilang idolong atleta sa naturang programa.

Kabilang sina MILO Basketball Champion Kiefer Ravena at MILO Volleyball Champion Alyssa Valdez sa mfa atleta na tutulong sa Champion LIVE na nagsimula nitong April 1.

Para makasali sa Champion LIVE, sundan si Alyssa (@alyssa_valdez2) at Kiefer’s (@kieferravena15) Instagram pages. Bisitahin din ang MILO Philippines Facebook page (www.facebook.com/milo.ph).