MAS mabibigyan ng mahabang preparasyon ang ilan pang Pinoy, kabilang si Nesty Petecio na makapaghanda para sa Olympic qualifying, higit at naiurong ang Tokyo Games sa susunod na taon.

Bukod sa mapanatilihing ligtas ang mga atleta ang siyang isinaalang- -alang ng mga organizers nang magdesisyon na ipagpaliban muna ang quadrennial meet hanggang sa susunod na taon sanhi ng Coronavirus, nabigyan nang mas malaking tsansa si Petecio na matupad ang matagal nang pangarap na Olympics.

“Makapaghahanda pa kami, Hopefully makalusot sa susunod na qualifying meet,” pahayag ni Petecio, nabigong makuha ang Olympic slots nang mabigo sa quarterfinals ng Asia- Ocenia qualifying sa nakalipa sna buwan sa Amman, Jordan.

Tanging sina Felic Marcial at Irosh Magno ang nakalusot sa naturang Olympic qualifying, habang si Petecio, world champion, ay inaasahang sasabak sa nalalabing Olympiv trials.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Pabor po ako sa pag postponed nila maam. Hindi dahil para po tumagal ang Olympics kondi dahil mas iniisip nila yung kapakanan ng nakakarami. Pabor ako dahil inisip nila yung kaligtasan at kapakanan ng mga atleta at ibang tao,”

Ayon sa 27-anyos na tubong Davao na si Petecio, mas malaking problema Ang idudulot kung itutuloy ang Olimpiyada, gayung possibly mas dumoble pa ang Kasi ng Coronavirus sa buong mundo.

S i n a b i p a n i y a n a ma s mahalaga ang buhay ng tao kaysa makipagsapalaran ang lahat na ituloy ang Olimpiyada na posibleng ikapahamak ng marami.

-Annie Abad