KINUKUWESTIYON ng aktres na si Angelica Panganiban ang patakaran ni Pasig City Mayor Vico Sotto kung bakit bawal mag-exercise tulad ng jogging sa loob ng village nila.

angelica

Nag-tweet si Angelica kahapon ng madaling araw, “Yung exercise tulad ng jogging, bawal sa village namin. Malinaw naman ang protocol. Pero pwede ka lumabas para ilakad ang aso, bumili ng grocery. Pero yung pang pa healthy, bawal sa pasig? Patakaran po ba ito ng mayor natin?”

Maraming followers ang aktres na pinayuhan siyang sa loob na lang ng bahay niya sya mag-exercise.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tulad ni @_ngalheo, “Ate Angel, wala po ba kayong treadmill? Or kahit po yoga mat? Baka pwede sa bahay kayo magwork out para mas safe ka po.”

Sabi naman ni @meme09201982, “

Depende pa rin po yan sa patakaran ng village n’yo po. Hindi lahat nakasalalay sa mayor. Tulad sa isang village dto sa amin bawal na talaga lumabas. Isa lang pwede at kung may bibilhin lang.”

May pumuna kay Angelica na pinaiiral daw nito ang tigas ng ulo, “eto ung isa sa matitigas n may gusto ipaglaban. d makuha ang punto. Sa bahay pede mg jogging. lumanghap ng fresh air sa bahay pede din. Sa bahay b pedeng mmlengke o mg grocery?Dapat bawal din ilakad ang aso unfair sa gusto mg jogging... peace yow, mula kay @akosikurt0015.”

Pinaliwanagan naman ang aktres ni @mariagaudium, “Essential po kasi ang pagbili ng grocery - hindi lahat kayang mag-stock ng grocery sa bahay nila. Yun iba kung anong makayanan sa isang araw lang nabibili nila. Yun mag exercise kayang kaya gawin sa loob ng bahay ‘yun.”

Say naman ni @MichikoSenpmLad, “iisang tao lang sa bawat isang bahay ang pwedeng lumabas. Para mag grocery, bumili ng gamot or ilakad ang aso para maka poop. Yung ibang kasama sa bahay talagang bawal lumabas. Yung tao lang na yun din ang pwede mag jogging papuntang grocery at habang pinapa poop ang aso GETSNYO?”

Mukhang okay naman kay Angelica ang mga paliwanag sa kanya dahil hindi na siya sumagot pa. Knowing Angge di ba, laging may katwiran.

-Reggee Bonoan