NEW YORK (Reuters) - Ang bilang ng coronavirus infections sa U.S. ay umakyat na sa mahigit 82,000 nitong Huwebes, nalagpasan ang national tallies ng China at Italy, habang angvNew York, New Orleans at iba pang hot spots ay naharap sa pagtaas ng mga naoospital at napipintong kakulangan ng supplies, staff at sick beds.
Sa pagkaunti ng ventilators at protective mask sa medical facilities at nahadlangan ng limitadong diagnostic testing capacity, ang U.S. death toll mula sa COVID-19, ang respiratory disease na dulot ng virus, ay umakyat sa mahigit.
“Any scenario that is realistic will overwhelm the capacity of the healthcare system,” sinabi ni New York Governor Andrew Cuomo sa news conference. Inilarawan niya ang projected shortfall ng estado sa ventilators - ang machines na sumusuporta sa respiration ng mga tao na “astronomical.”
Habang ang New York ay ang coronavirus epicenter sa United States ngayong linggo, ang susunod na malaking bugso ng infections ay tila patungo sa Louisiana, kung saan ang demand para sa ventilators ay dumoble. Sa New Orleans, ang pinakamalaking lungsod ng estado, ang Mardi Gras celebrations nitong nakaraang buwan ang pinaniniwalaang gumatong sa outbreak.
Sinabi ni Louisiana Governor John Bel Edwards na mauubusan na ang New Orleans ng ventilators pagsapit ng Abril 2 at potensyal na mauubusan ng bed space pagsapit ng Abril 7 “if we don’t flatten the infection curve soon.”
Sa ominous milestone para sa United States sa kabuuan, halos 82,153 katao sa buong bansa ang nahawaan nitong Huwebes, ayon sa Reuters tally batay sa state at local public health authorities. Ang China, kung saan lumutang ang global pandemic sa huling bahagi ng nakaraang taon, ay may pangalawang pinakamataas na bilang ng mga kaso sa 81,285, sinusundan ng Italy na may 80,539.
Halos 1,206 Amerikano na ang namatay sa COVID-19, na napatunayang mas mapanganib sa matatanda at mga taong mayroong iniindang karamdama , batay sa tally ng Reuters.