Naharap ang health agency ng UN sa mga batikos sa nakalipas dahil sa labis na reaksiyon at sa mabagal na pagkilos sa paglaban sa epidemics, ngunit bobihira itong maharap sa masusing pagsisiyasat tulad sa coronavirus pandemic.

Ang World Health Organization ay itinuturing na masyadong alarmist nang hinarap nito ang H1N1 epidemic noong 2009 ngunit makalipas ang limang taon ay inakusahan namang napakabagal sa pagdedeklara ng emergency kaugnaybsa Ebola outbreak sa kanlurang Africa, ng mahigit 11,000 katao.

Matapos ang kapalpakang ito, nagreporma ang WHO at bumuo ng isang rapid response unit na simula noon ay nakatulong para labanan ang dalawang Ebola outbreaks sa Democratic Republic of Congo.

Ngunit muling nababatikos ang samahan, na sinabi ng mga kritolo na hindi mabilis ang naging pagtugo o naging malamya laban sa bagong coronavirus, na lumutang sa Wuhan, China, noong nakaraang taon.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang ahensiya ay inakusahan ng pag-antala sa pag-alarma sa takot na masaktan ang Beijing, sa paghihintay nang matagal bago ideklara ang COVID-19 outbreak na isangbglobal pandemic at sa kabiguang i-coordinate ang magkakaugnay na pandaigdigang pagtugon.

At Also, a consensus appears to be emerging on the need to close down public spaces to limit the spread but the WHO has given little guidance on these measures.

At, ang isang pinagkasunduan ay lumilitaw na umuusbong sa pangangailangan na isara ang public places upang limitahan ang pagkalat ngunit ang WHO ay nagbigay ng kaunting patnubay sa mga hakbang na ito.

“WHO remains surprisingly silent and absent in all of these pragmatic questions,” isinulat ni Antoine Flahault, head ng Institute of Global Health sa University of Geneva, sa The Lancet medical review, na nagtatanong: “Is there any orchestra conductor?”

‘Enemy of humanity’

Gayunman, pinuri ng ibang commentators si WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus at ang kanyang team sa pagbibigay ng sound guidance, sa halip na batikusin ang mga bansa sa kabiguang sundin ang payo.

Isa sa pinakasentro ng mga batikos ay ang naghintay ang WHO hanggang Marso 11, nang halos 120,000 kaso na ang naitala para ideklara ang outbreak na isang pandemic -- isang hakbang na tunay na naghudyat ng mabilis na pandaigdigang pagkilos para rendahan ang virus.

Sa panahong ito, ang virus, binansagang “enemy of humanity” ni Tedros, ay nagkalat na sa Europe, na kalaunan ay naungusan ang Asia bilang epicentre ng outbreak.

Sa pagsisikap na mapigilan ang pagkalat ng pandemic na pumatay na ng mahigit 18,000 buhay, halos 3 bilyon katao sa mundo ang nakakulong sa kanilang mga bahay at ang mga ekonomiya ay halos natigil, na nagiging banta sa global recession.

China conundrum

Sa kabila ng mga kaguluhan, at ebidensiya na itinago ng Chinese officials ang krisis sa loob ng ilang linggo at pinatahimik ang doktor na kumalembang ng alarma, pinuri ng WHO ang Beijing sa maaga nitong pagtugon.

Sinabi ni Joseph Amon, professor ng global health sa Drexel University in the United States, sa AFP ay “clear mistake and set an early tone by WHO that the epidemic was perhaps not as severe and that the initial response was adequate”.

Sinabi lamang ng China sa WHO ang tungkol sa unknown form ng pneumonia na kumakalat sa Wuhan noong Disyembre 31, 2019.

Sinabi ng mga eksperto na kung maaga lamang nalaman ng mundo ang tungkol sa problema marahil ay nakontrol ito.

“If we had known about it then, then that could have made a huge difference,” sinabi ni Roland Kao, epidemiologist sabUniversity of Edinburgh, sa AFP.

Ngunit kahit nagkakasundo ang mga eksperto na maraming dapat batikusin sa inisyal na pagtugon ng China, marami ang nagsabi na tama ang WHO na bigyang pansin ang tamang nagawa ng bansa, kagaya ng mabilis na pagbahagi sa genetic sequencing ng virus at pagpatupad ng lockdown measures para mapabagal ang pagkalat.

“To alienate China early in the process by pointing out mistakes would have been a mistake,” sinabi ni Ann Lindstrand, in charge sa WHOnexpanded immunisation programme, sab AFP, sinabi na mahalaga ang kooperasyon ng Beijing. “Tedros did the right thing.”

Sinabi ng ilan na naibunyag ng COVID-19 pandemic ang actually opposite problem -- kailangan ng mga estado na makaramdam ng pressure mula sa WHO ngunit walang kapangyarihan ang ahensiya.

“Dr Tedros and WHO are working hard to conduct the orchestra, but the players are not cooperating,” sinabi ni Suerie Moon, co-director ng Graduate Institute’s Global Health Centre.

AFP