Marahil ay hindi maiiwasan na ipagpaliban ang 2020 Tokyo Olympics, kung ikokonsidera ang lahat ng nangyayari ngayon sa buong mundo, sa pagsasara ng mga gobyerno sa mga hangganan kasama ang public meeting places at paglilimita sa paggalaw ng mga tao, dahil sa coronavirus o COVID-19.
Gaganapin ang Olympics sa Hulyo, apat na buwan simula ngayon. Nitong Marso 20, sinulubong ng Japanese Olympic officials ang pagdating ng Olympic flame mula sa Greece – kung saan nagsimula ang modern Olympics noong 1896. Ang torch relay ay nakatakdamg magsimula kahapon para ilakbay ang apoy sa 47 prefectures ng Japan sa loob ng 121 araw bago ito gamitin para sindihan ang Olympic Cauldron sa Games site sa Tokyo.
Sa loob ng ilang linggo, nagpahayag ang iba’t ibang sports officials at athletes sa palibot ng mundo ng kannilang mga pagdududa at pangamba tungkol sa tungkol sa mass gathering tulad ng sa Olympics sa pabaho na nagkakandado ang mundo. Natigil ang training programs ng aspiring Olympic athletes aa pagsara ng gyms. Ang ating sariling pole vault champion na si E. J. Obiena Ay kinailangan umalis sa kanyang training quarters sa Italy, na nalagpasan na ang China sa bilang ng mga namatay sa coronavirus deaths.
Opisyal nang umurong ang Canada at Australia sa kanilang teams, sinundan ng US Olympic Committee at World Athletes na nakisali sa dumaraming panawagan na ipagpaliban ito. Sa wakas nitong Martes, opisyal na ipinanukala ni Japan Prime Minister Shinzo Abe ang nasa isipan ng lahat — ang pagpapaliban sa Games. Kaagad na sumang-ayon si International Olympic Committee President Thomas Bach.
Magmula nang simulan ang modernong Olympic Games noong 1896, dalawang beses pa lamang itong kinansela. Ang 1916 Games sa Berlin, Germany, ay kinansela dahil sa outbreak ng World War I. Mayroon ding pagkilos ba kanselahin ang 1936 Games sa Berlin dahil sa pag-angat sa kapangyarihan ng Nazis, ngunit tiniyak ni Hitler na papayagang makipagpaligsahan ang Jews, kahit sa German team.
Gaganapin sana ang 1940 Games na gaganapin sa London, England, ngunit kinansela ito dahil sa pagputok ng World War II. Sa wakas ay nagpatuloy ang Games noong 1948 sa London, dalawang taon matapos magwakas ang digmaan, na walang mga bagong arena o athletes quarters kaya nakilala ito bilang ”Austerity Games.”
Simula noon ay ginaganap na ang Olympics kada apat na taon, na inaabangan ng mga atleta sa lahat ng mga bansa na makalaro sa pinakadakila sa lahat ng athletic competitions. Nagtayo ang Tokyo ng isang bagong stadium para sa mga palarong ito at maagang natapos sa lahat ng mga paghahanda. At nagsimula ang coronavirus sa kanyang nakamamatay na pagkalat sa buong mundo, tumalon mula sa China patungo sa mga katabing bansa sa Asia, hanggang sa Europe, hanggang sa United States, at sa iba pang panig ng mundo.
Hindi pa natatanaw ang wakas ng pandemya ng coronavirus, ngunit umaasa ang buong mundo na matatapos ito makalipas ang ilang buwan. Inaasahan na ang proseso ng pagbangon ay sunod na magsisimula sa Tokyo Olympics, at matutuloy na rin sa 2021. Ito ay isang pag-asa na lahat tayo ay inaasam.