Pumanaw na si Domingo Cobarrubias o mas kilala sa showbiz bilang si Menggie Cobarrubias, 68 taon gulang, nitong Huwebes ng umaga pasado alas otso dahil sa COVID19 sa Asian Hospital and Medical Center, Alabang Muntinlupa.

menggie

Nitong Miyerkoles ng gabi ay nabasa namin ang huling post niya ng, ‘Good bye’ sa Facebook account niya at dito nagbigay ng mensahe ang lahat ng kaibigan niya at pinalalakas ang loob niya.

At nitong Huwebes ng umaga ay pinost ng asawa niyang si Gng. Gina Jorge Cobarrubias, “Goodbye my love. Thank you for the 30 wonderful years. I love you. Dear God please give me the strength to be able to face this very difficult moment of my life.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Si Tito Menggie ang isa sa bida ng pelikulang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon, ang nanalong Best Film sa Cinemalaya 2018, kasama sina Ms Perla Bautista at Dante Rivero.

Tanda namin sa storycon ng pelikula na ginanap sa Icings, Sct Dr. Lazcano, Quezon City ay sadyang tinanggap niya ang pelikula dahil bukod sa maganda ang script at first time niyang maging bida dahil pawang supporting role lang siya parati.

Sabi pa niya, “lahat naman tayo doon na papunta (dapithapon).”

Base sa kuwentuhan nina tito Menggie at direktor na si Armand Reyes ay matagal nang nilalagnat ang aktor simula pa noong Marso 20 at naka-confined siya sa emergency room ng Asian Hospital as PUI o person under investigation.

-REGGEE BONOAN