Ang panawagan ni Jennylyn Mercado sa DILG para kalampagin ang mga under performing mayors sa lahat ng dako ng bansa.

“Nananawagan po kami sa DILGPhilippines. Namomonitor niyo po ba ang nagagawa at hindi nagagawa ng mga Mayor ng bawat lungsod para makatulong sa crisis?

“Madami pa pong mga tao na nagsasabi na hanggang ngayon ay wala pa silang natatanggap na relief goods mula sa kanilang barangay.

“Lagpas na po ng isang linggo ang Lockdown. Paano po ang ating mga kababayan na hindi sapat ang per para makabili ng kanilang makakain araw araw?

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Sana po ay matulungan na sila kaagad.”

Sinundan pa ni Jennylyn ng isa pang post: “DILGPhilippines paano po maibibigay ang mga donasyon na relief goods sa mga barangay na wala pa?

Saka ano pong masasabi ninyo sa mga barangay na hindi nagbibigay ng ayusa sa mga taong hindi nagrehistro bilang botante? Hindi po ba mali iyon?”

Sang-ayon ang netizens na bukod sa pagpa-fund raising ng mga artista, manawagan din sila sa DILGpara kalampagin ang mga nasasakupang LGU lalo na ‘yung marami ang nagrereklamo.

Speaking of Jennlyny, nakakapag-bonding ito at ng anak na si Jazz dahil tigil ang taping ng Descendants of the Sun at ang lahat ng shows ng GMA-7 at ABS-CBN. Lockdown din sa kani-kanilang mga bahay ang mga celebrity.

-Nitz Miralles