SINGAPORE (Reuters) - Sinabi ng scientists sa Singapore na nakadebelop sila ng paraan para masundan ang genetic changes na magpapabilis sa pagsusubok sa mga bakuna laban sa coronavirus na pumatay ng mahigit 16,000 katao sa buong mundo.
Sinabi ng scientists, sa Duke-NUS Medical School ng city-state, na ang kanilang technique ay nangangailangan ng ilang araw lamang para i-evaluate ang potential vaccines na mula sa Arcturus Therapeutics, isang American biotech firm na ka-partner ng paaralan para sa trials.
Ang timeframe ay maikukumpara sa ilang buwang kadalasang kinakailangan para sa testing batay sa human responses.
“You can know from the way the genes change - what genes are turned on, what are turned off,” sinabi ni Ooi Eng Eong, deputy director ng emerging infectious diseases program ng paaralan.
Ang mabilis na assessment ng mga pagbabagong ito na bunsod ng isang bakuna ay nagpapahintulot sa scientists na matukoy ang pagiging epektibo at side effects nito, sa halip na umasa lamang sa responses mula sa mga taong nakatanggap nito, dagdag niya.
Sa kasalukuyqn, wala pang aprubadong gamot o preventive vaccines na tumatarget sa virus, at karamihan sa mga pasyente ay tumatanggap lamang ng supportive care, gaya ng tulong sa kanilang paghinga. Sinabi ng mga eksperto na aabutin ng isang taon p mahigit bago maging handa ang bakuna.
Sinabi ni Ooi na balak niyang simulan ang mga pagsubok sa bakuna sa mga daga sa loob ng isang linggo, at ang human trials ay inaasahan sa second half ng taon.
Nagkakarera ang pharmaceutical firms at researchers sa buong mundo para makabuo ng mga bakuna at lunas para sa virus, na nakahawa na sa mahigit 377,000 katao.
Ang mga pagsisikap na ito ay kinabibilangan ng Gilead Sciences Inc’s experimental antiviral drug na remdesivir at angbplasma-derived therapy mulansa Japan’s Takeda Pharmaceutical Co.
Sa isang malaling hakbang tungo sa pagawa ng diagnostic methods, tumulong ang Duke-NUS scientists sa pag-culture o nagpatubo sa virus noong Enero, ilang araw matapos kumpirmahin ng Singapore ang first infection nito. Ito na ang ikatlong bansa sa labas ng China, na nag-culture sa virus.
Isa pang una ay ang test para ma-detect ang virus antibodies kahit sa mga gumaling na, na mahalaga sa containment efforts na pinuri ng mundo ang Singapore.