SINAGOT ni Ara Mina ang comment ng isang netizen na hindi naman kailangang magsuot ng mask kung nasa bahay ka lang. Pinayuhan pa si Ara na maging sensitive lalo’t maraming health workers ang walang mask. Huwag na raw inggitin ni Ara ang health workers na walang makuhang face mask.

ara

“Di po kami nang iinggit ate. Galing po kami sa labas ng bahay namin ng anak ko naglakad lakad sandali. Bawal po ba mag-mask sa labas? We decided to have a picture inside the house kasi madilim sa labas. Sana po wag po tayo basta magjudge. And don’t tell me to be sensitive bex i’m sensitive enough and fyi nagdonate po ako ng mga masks sa frontliners baka di nyo lang po alam. Pinapaalam ko na po sa inyo. Kasi di po lahat ng mga bagat na nagagawa namin e namemedia or napapamedia. Maraming salamat po!”

“Si #heartandsoulphilippines po makakapagpatunay na nagdonate ako ng masks just in case na hindi kayo naniniwala. Wag po kayo basta basta nagja judge sa tao. And di naman masama siguro magtira ako ng mask para sa amin ng anak ko,” patuloy ni Ara.

Events

Mungkahi ni Ogie sa MMDA, gawin na lang hanggang 8 pelikula sa 2025 MMFF

Sinagot din ng Heart and Soul Philippines ang comment ni @titac_319 ng “We should all think before we click. Wait lang po picture ng mga donation ni Miss Ara Mina ng mask para sa amin healthworkers here in Bulacan po. Thank you for your sympathy to us, but please let us tame our tongue in time like this. Hating/judging people would do no good for us to be fully equipped. Kindly be a light to others even if you are sensitive to our situation.”

In fairness sa netizen na nag-akusa kay Ara na insensitive, nag-sorry it okay Ara at sabi, “@therealaramina sorry that i misjudged you. But times like this, when frontliners are dying due to lack of protective gears, it becomes very personal. Again, my apologies.”

Sinundan ito ng “I already sent my apology to @therealaramina. I just hope that she read my reply ro her message. Again, sorry.”

Hinusgahan si Ara dahil lang sa pinost na photo nila ng anak na si Mandy nanakasuot ng face mask sa loob ng kanilang bahay. Iyon naman pala, nag-donate si Ara ng 1000 pieces of face masks sa Heart and Soul Philippines.

-Nitz Miralles