KINANSELA ng pamunuan ng Philippine Superliga (PSL) ang ongoing Grand Prix pagkaraan ng deklarasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Luzon sa “enhanced community quarantine” dulot ng novel coronavirus.
Ayon kay PSL chairman Philip Ella Juico, kinansela nila ang import-laced conference para na rin sa kaligtasan at kapakanan ng mga manlalaro, coaches, officials at iba pang mga stakeholders.
Pinauwi rin anila ayon kay Juico ang mga lokal at mga dayuhang manlalaro sa kani-kanilang mga pamilya.
Patuloy din anilang imu-monitor ang sitwasyon upang maituloy ang pagdaraos ng Grand Prix.
“We are putting the welfare of our fans and players above anything else,”ayon pa kay Juico na pangulo din ng Philippine Amateur Track and Field Association.
“Prior to the outbreak of the deadly pulmonary disease, the league was having one of the finest editions of the Grand Prix,” aniya.
Ayon kay PSL president Ian Laurel, naging mahirap para sa kanila ang naging desisyon na kanselahin ang said ang Grand Prix.
“We needed to evaluate the situation and came up with this tough decision,” ani Laurel.
Idinagdag nya na magpapatawag din sila ng “special team owners meeting” kapag bumuti na ang kasalukuyang sitwasyon para pag-usapan ang pagpapatuloy ng centerpiece conference.
“We will be back with a bang when all of these are over.”
-Marivic Awitan