HINIKAYAT ni eight-division boxing world champion at Senador Manny Pacquiao na huwag mawalan ng pag-asa sa gitna ng krisis na kinakaharap ngayon NG bansa Laban sa paglaganap ng COVID-19.

pacmanSa kanyang social media account na Instagram, sinabi ng Pambansang Kamao na si Pacquiao na kakayanin ng mga Pilipino ang naturang krisis sa pagdarasal.

“Wag lang po tayo mawalan ng pag-asa. Itong problema na ito, malalampasan natin lahat ng ‘yan dahil ang Panginoon, nandyan palagi na gagabay sa atin, na gagabay sa bansang ito,” ayon sa kanyang isinulat sa kanyang IG post.

Sa unang Linggo pa lamang ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon ay nagpaabot na agad ng tulong si Pacquiao kung saan nagoamigay ito ng kabuuang 600,000 na face masks.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang mga ito ipinamahagi sa mga medial workers at sa PNP, AFP, RITM, DOH at sa mga taga- MMDA.

Nagpahiram din si Pacquiao ng limang pampasahesong bus upang makapagsakay NG libre sa nga health workers patungo sa trabaho buhat sa kanilang lugar.

B u k o d d i t t o , nagpagpamigay din ang Manny Pacquiao foundation, katuwang ang Jack Ma Foundation, ng 50,000 COVID-19 test kits.

-Annie Abad