MAGBABALIK sa pagiging coach si LA Mumar sa darating na UAAP Season 83 Basketball Tournament.

Nakatakdang bumalik si Mumar sa kanyang alma mater Ateneo de Manila bilang bagong head coach ng kanilang women’s basketball squad.

Papalitan ang nakaisang taong coach ng Lady Eagles na si Kat Quimpo.

“It’s a blessing for me to get back to working in the sidelines. Coaching is in my blood, from my lolo Lauro to my dad Larry,” ani Mumar na dating Tournament Director ng UAAP Season 82 Collegiate Basketball Tournament matapos maging coach ng juniors squad ng Lyceum of the East sa NCAA.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

“What makes this extra special is I get to coach in my alma mater. I played here in Ateneo from grade school to college,” ayon pa kay Mumar.

Inaasahang magiging malaking hamon para kay Mumar ang magiging kampanya ng Lady Eagles sa Season 83.

Manggagaling ang koponan sa 5-9 na pagtatapos sa nakaraang season 82 at sa nakalipas na apat na taon ay hindi pa sila nagpa-final 4.

“We’re losing half the team to graduation, but I’m very excited with this group because they are teachable and passionate about basketball. We still have Jhaz Joson, Joanne Nimes, and Zoe Chu who I think will take their game to another level,” ayon pa kay Mumar.

Kabilang sa mga nawala sa team sina Katrina Guytingco, Alyssa Villamor, Pam Payac, Nic Cancio, at Mel Newsome na pawang nagtapos na ang playing years.

“We hope to surprise a lot of teams this year,” ayon pa kay Mumar.

-Marivic Awitan