Pinalawig ni P B A commissioner Willie Marcial ang naunang suspensiyon ng team activities ng mga miyembrong koponan ng liga kabilang ang mga ensayo at scrimmages bunsod ng patuloy pa ring paglaganap ng coronavirus (COVID-19) sa bansa.
Nagpalabas i Marcial ng isang memorandum para sa lahat ng PBA teams na nagsasaad ng pag-aatas niya ng indefinite suspension mula sa dati nang kautusan na dapat magtatapos sa Biyernes.
“In light of the country’s current situation, the Office of the Commissioner is extending all its member teams’ two-week break from practices, scrimmages and other related activities which was supposed to end March 27, until further notice,” ani Marcial.
Nauna ng nagsuspinde ang liga ng kabubukas pa lamang nilang season matapos magpatupad ang pamahalaan ng community quarantine sa buong Kamaynilaan ilang araw makaraan ang opening ng Season 45 ng liga noong Marso 8.
Hiniling din ni Marcial sa lahat ng mga bumubuo at kaanib ng liga na manatili sa kanilang mga tahanan at sumunod sa direktiba ng pamahalaan.
“Declaration No. 929 places the whole country under state of calamity and the nation’s capital under ‘enhanced quarantine’. We ask your full cooperation and compliance and encourage everyone to stay fit and healthy in the confines and safety of their homes,”wika pa ni Marcial.
-Marivic Awitan