SINIGURO ng Philippine Sports Commission (PSC) na hanggang sa kasalukuyan, habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang atleta ang nagpositibo sa kumakalat na Coronavirus sa bansa.
Ipinaabot ni PSC chairman William Ramirez ang kanyang pasasalamat sa mga atletang kabilang din sa frontliners na kasalukuyang nagsisilbi din bilang nga sundalo ng bansa.
Aniya, patuloy na sinusubaybayan ng ahensiya ang kalusugan ng mga atleta lalo na ang mga atletang nakatira sa Philsports Complex.
“Madami tayong atleta na enlisted and we are also monitoring how they are doing, bukod sa mga nasa pangangalaga namin dito sa PhilSports,” ani Ramirez.
Nauna ditto, ikinansela ng PSC Ang lahat ng mga aktibidades na nakahanay ngayong taon at gaya dahil sa Enhanced Community Quarantine ay isinara din pansamantala ang tanggapan ng nasabing ahensiya.
Kamakailan ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang Proclamation No. 922, kung saan isinailalim ang Pilipinas sa State of Public Health emergency.
-Annie Abad