SINISIKAP ng Kamara na maipasa ang panukalang batas na magpi-preserba sa mga katutubong laro, gaya ng sungka at sumpit, sa pamamagitan ng pagdaraos ng taunang paligsahan tungkol sa mga katutubong paligsahan.

Inindorso ng House committee on youth and sports development sa plenaryo na pagtibayin ang HB 6102 (Philippine Indigenous Games Preservation Act).

Ang sungka ay paboritong l a r o s a p a g t i t i p o n ng mga pamilya. Dalawang manlalaro ang sangkot dito sa pamamagitan ng paghuhulog ng bato o shells sa mga butas ng isang hugis bangka (canoe-shaped board) na kung tawagin ay “sungkaan” o “sungkahan” hanggang makuha ng isang manlalaro ang pinakamaraming bato kaya siya ang nagwagi.

Ang “Sumpit” naman ay isang bugahan o blowpipe na gawa sa kawayan, na ginagamitan ng mga butil ng monggo o maliliit na bagay, bilang bala pag ibinuga.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

-Bert de Guzman