IPINAKITA na rin ni Erwan Heussaff ang baby girl nila ni Anne Curtis sa followers niya sa Instagram (IG), pero sa IG Story lang yata nilabas dahil agad nawala. Wala pa rin sa IG ni Anne ang photo ng baby nilang si Dahlia Amelie.amelie

Simple lang ang caption ni Erwan sa photo ng baby girl nila ni Anne at sabi lang, “Throw ‘em up.”

Kanya-kanyang comment ang netizens kung sino ang kamukha ni baby Heussaff, pero hindi pa malalaman sa ngayon kung sino ang kamukha ng bagets. Ilang months pa bago malaman kung sino talaga ang kamukha ng baby.

-NITZ MIRALLES
Relasyon at Hiwalayan

One More Chance? Makati City Mayor Nancy Binay, nag-officiate sa kasal nina Bea Alonzo-Vincent Co