HINDI na tinag si tennis teen sensation Alex Eala sa No. 4 spot sa latest world ranking na inilabas ng International Tennis Federation (ITF).

Matapos ang desisyon na ikansela anglahat ng programa ng ITF bunsod ng coronavirus (COVID-19) pandemic, napanatili ni Eala sa kanyang puwesto tangan ang 1,718.75 puntos sa likod nina No. 1 Victoria Jimenez Kasintseva ng Andorra (1,971.25), No. 2 Diane Perry ng France (1,967.50) at No. 3 Daria Snigur ng Ukraine (1,930.00) sa junior rankings.

Nakakuha ng malaking puntos ang batang Pinay nang magkampeon sa girls’ doubles sa Grand Slam event na 2020 Australian Open na ginanap nitong Enero sa Melbourne.

Nakipagtambalana si Eala kay Indonesian Pariska Nugroho para masikwat ang korona para makuha ang 750 puntos.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Nagkampeon din si Eala sa singles sa Cape Town, South Africa noong Setyembre (500 points) habang may runner-up ito sa Osaka, Japan noong Oktubre (300 points).

Nakakuha rin ng titulo si Eala sa doubles sa Plantation tournament sa Amerika noong Disyembre at runner-up naman sa Offenbach event sa Germany noong Hunyo.

Dahil sa kanyang world ranking, awtomatiko na ang puwesto si Eala sa main draw ng mga Grade A at Grand Slam events kabilang na ang French Open, Wimbledon Championships at US Open.