SA hakbang na maiparating ang kanilang mensahe sa mas maraming tao, partikular sa mga millenials, sinusubukan ngayon ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang iba’t ibang platform na higit na kaakit-akit para sa publiko.

“We are looking for ways to entice more audience, the millennials,” pagbabahagi ni NCCA deputy executive director Marichu Tellano sa isang panayam kamakailan.

Sa ngayon, sumusubok ang ahensiya sa teleserye (soap opera), film, animation at sa susunod na taon, sa pamamagitan naman, aniya, ng musika.

Pagbabahagi ni Tellano bago magtapos ang 2020, magsasagawa ang NCCA film exhibition, na nagtatampok ng 19 na maiikling pelikula na pinili mismo ng ahensiya at pinondohan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Around October last year, we announced a call for submission for films that highlight the Filipino values we came up from research. We received 105 entries, and we are currently in the selection process,” aniya.

Pipili ang NCCA ng top 19 films, at pagkakalooban ang bawat isang entry ng P350,000 upang mai-produce ang pelikula, dagdag pa ni Tellano.

“[The Commission] is also attempting to do animation,” at kasalukuyang nasa proseso na ng pagsasafinal ng mga detalye para sa contest na magtatampok din sa 19 na kaugalian (values) sa pamamagitan ng animation.

Sa loob ng dalawang taon, nagsagawa ang NCCA ng pananaliksik at focus group discussions kasama ang iba’t ibang sector, tulad ng mga katutubo, nasa akademya, mga negosyante at iba pa, upang matukoy kung ano ang mahalaga sa kanila bilag mga Pilipino.

Mula dito, nakabuo ang NCCA ng 160 values na pinili at inipon sa 19 na kaugalian.

“We are looking for platforms like animation, teleserye, that would neither be hard sell nor propaganda,” paliwanag pa opisyal.

Aniya, “we want it to be something that would make our audience feels good at the end of the day.”

Nabanggit din niya ang plano ng NCCA na mag-organisa ng isang songwriting contest, kung saan itatampok din ang 19 values. Sa ngayon, pinoproseso na ang mechanics ng paligsahan kung saan tinitingnan si Ryan Cayabyab bilang isa sa mga hurado.

“This (music-related) will be for next year. We might put up a concert to feature the winners,” aniya.

Samantala, una nang inilunsad ng NCCA ang unang teleserye “Project Destination”, na inaasahang masisimulan ngayong buwan. Naglaan ang Komisyon ng P14 million para sa proyekto, na layong maitampok ang 19 na kaugalian nang hindi nagsasagawa ng mga lektura sa buong bansa.

PNA