SA gitna ng maraming espekulasyon kung matutuloy ang 2020 Tokyo Olympics, dumating na sa Japan ang Olympic flame nitong Biyernes buhat sa Greece bilang simbolo ng pagtanggap ng nasabing bansa sa hosting nito ngayong Hulyo 24.

Ayon sa report, ang nasabing Torch Flame o Olympic flame ay nakalagay sa isang espesyal na lalagyan at nagsagawa lamang ng isang simpleng sereminya sa isang air base sa hilagang bahagi ng Japan.

Ayon pa rin sa report, na planong ituloy ng mga organizers at ng International Olympic Committee (IOC) ang kompetisyon ngunit isinaalang- alang din ng mga ito ang posibilidad ng postponement at kanselasyon, dahil sa kaso pa rin ng Coronavirus o COVID-19.

Nagsagawa lamang ng maikling acceptance speech ang mga opisyales ng Japan at mga organizers nito upang pormal na tanggapin ang hosting ng Olimpiyada.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Mananat i l i ng i sang Linggo Ang nasabing ningas sa hilagang bahagi ng Japan ayon sa report bago sinuman ang Torch relay sa Marso 26.

Ipapakiita naman ito sa publiko matapos ang relay, kung saan pinili ang mga lugar na Miyagi, Iwate at Fukushima, ang mga lugar sa Japan na sinalanta ng lindol at tsunami noong taong 2006.

-Annie Abad