MARAMING salamat sa mga private companies na nagpapadala ng tulong para sa mga frontliners, ang medical team na walang sawa at walang takot na nagsisilbi sa mga may COVID-19 patients at sa mga taong hindi makapaghanapbuhay dahil sa month-long enhanced community quarantine.

Isa ang Coca-Cola Philippines, Inc. na ang P150 million advertising budget nila ng lahat ng kanilang mga produkto ay ibinigay para sa iba pang nangangailangan, at araw-araw ay namimigay din sila ng food packs at drinks sa tulong ng Caritas Manila at ng Rise Against Hunger.

Ang McDonalds Philippines ay naglaan din ng P500 million fund para sa kanilang mga employees at frontliners, kasama rin ang pay package para sa mga empleyado nilang nagtatrabaho sa mga stores nilang exempted sa quarantine. May food donations din sila sa mga volunteers ng local government units (LGU) at sa mga taong pansamantalang hindi makapaghanapbuhay.

Ang tanong naman, sana raw ang mga senador at congressmen na malalaki ang tinatanggap na suweldo buwan-buwan, ay ilaan naman nila ito para sa mga nasasakupan nila at huwag iasa sa national government ang pag-aalaga sa kanila. Talo pa sila ng mga artistang tumutulong para sa mga affected ng COVID-19, without fanfare.

Tsika at Intriga

De Lima, ML party-list suportado si Nadine Lustre sa pagsasampa ng reklamo

-NORA V. CALDERON