MABILIS ang hawaan ng coronavirus (COVID-19) sa matao at siksikang lugar.

Patunay ang kaganapan sa Bangkok, Thailand kung saan mahigit 100 sa 5,000 muay thai fans ang nagtamo ng karamdaman matapos manood ng combat championship sa Lumpini Stadium nitong Marso 6.
Ipinahayag ng local na ahensiya ng kalusugan sa Bangkok na 104 ang kompirmadong kaso mula sa kabuuang 411 ay kabilang sa crowd na nanoof ng muay thai championship.
Kabilang sa mga nagpositibo ang isang sikat na local actor, politician, a boxing trainer at ordinaryong muay fans.
“The more people who report themselves, the easier it is for us to track down others with the virus before it’s too late,” pahayag ni Dr Thaveesin Visanuyothin, tagapagsalita ng Public Health Ministry.
Bunsod nito, kaagad na ipinag-utos ni Prime Minister Prayuth Chan-ocha ang pagpapatigil nang tatlong araw na major holiday sa Bangkok upang mapigilan ang muling pagsasama-sama ng malaking crowd at maabatan ang paglala ng COVID-19 sa bansa.
“This is NOT a joke, for those that have been in close contact with me the last few days please take precautions. I have the Covid-19 virus,” pahayag ni Matthew Deane Chanthavanij, isang tanyag na actor sa Thailand na kabilang sa panibagong nagpositibo sa sakit.
Ang 41-anyos Australian-born Thai actor ay isang masugid na tagasuporta ng muay thai at may sariling gym para rito. Siya ang nanguna s aopening ceremiony sa muay championship sa Lumpini Stadium n a n a g i n g s e n t r o ng ‘outbreak’ ng COVID-19 sa Thailand.
“We were squeezed against each other. Normally the place isn’t that crowded,” pahayag ni Suwan Jitpinit, isa sa mga nanoood ng naturang sports event.
“At other regular events, there would be about 1500 to 2000 people in the stadium but because this was a special match, there were many more people,” aniya.
Matapos malaman na nagpositibo si Matthew Deane, kaagad din siyang sumailalim sa pagsusuri at nagpositibo, gayundin ang kanyang may-bahay. Sa kasalukuyan ‘under quarantine’ ang kanialng lugar sa Sukhothai.