LAHAT ng mga kampeon ng mga events na kabilang sa naapektuhan ng ginawang terminasyon ng NCAA Season 95 ay mananatiling kampeon.
Ayon kay NCAA Management Committee chairman Peter Cayco ng season host Arellano University, dahil sa hindi inaasahang kaganapan dulot ng coronavirus (COVID-19) mapapanatili ng mga reigning champion teams ang kanilang titulo at hindi maaaring magdeklara ng bagong kampeon na ibabase sa team standings, gayundin sa mga events na hindi pa nasisimulan.
“Re t a in mg a de f ending champions. Walang champions for Season 95 para sa mga natigil na events,” ani Cayco.
Dahil sa lumalalang problema sa COVID-19, tinapos ng NCAA Policy Board ang Season 95.
Kabilang sa mga events na naapektuhan ng naging terminasyon ng season ay ang volleyball, football, tennis, athletics, beach volleyball at cheerleading.
Lahat ng mga kampeon sa mga nabanggit na events ay mananatiling kampeon kasama ng mga general champions sa seniors at juniors divisions na San Beda University at University of Perpetual.
-Marivic Awitan