Hiniling ng minorya sa Senado sa pamahalaan na ayudahan ang mga magsasaka at manggagawa sa gitna na rin ng paglaban sa corona virus (COVID-19).
Sa isang kalatas-pahayag, sinabi nina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Sens, Francis Pangilinan, Risa Hontiveros at Leila M de lima na hindi dapat kaliutan ang naturang sektor dahil kung tutuusin ay kabilang din sila sa mga “frontliners” ng bansa
“Nasa ikatlong araw tayo ng enhanced community quarantine. Nagsisimulang madama ng 60 milyong nasa Luzon, lalo na ang 12-14 milyong nasa Metro Manila na karamihan ay mga manggagawang isang kahig, isang tuka, ang kagipitan bunsod ng kawalan ng kita at di sapat na makakain.” nakasaad sa kanilang pahayag.
-Leonel Abasola