PINAHAHANAP ng Commission on Higher Education (CHED) ng iba pang paraan ang mga unibersidad at mga kolehiyo para maipagpatuloy ng mga ito ang pagka-klase sa kabila ng ipinaiiral na enhanced community quarantine.

Ayon kay CHED Chairperson Prospero de Vera, may mga nakakarating kasi sa kanilang mga ulat na maraming mga estudyante ang nagkaka-problema sa signal, dahil sa mahinang internet kaya hindi makapag-online class.

Hindi rin naman magawang makapunta sa mga internet cafe ang mga estudyante, dahil mayroong transportation limitation.

Dahil dito, sinabi ni De Vera, na naglabas na siya ng advisory sa mga pamantasan upang repasuhin ang kanilang delivery system ng online.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Puwede naman daw magkaroon ng adjustment, gaya ng pagbibigay ng take home assignment o magpasulat ng papel at pagkatapos ng isang buwan ay tsaka magkaroon ng assessment.

Kasabay nito ay nakiusap din naman si de Vera sa lahat ng pamunuan ng mga kolehiyo at unibersidad, pribado o pampubliko man, na medyo maging maluwag sa mga estudyante nang hindi naman nasasakripisyo ang kanilang standards.

-Beth Camia