PAGKAKALOOBAN ang mga golf caddies ng mga benepisyo para sa kanilang kalusugan, pagreretiro at iba pang biyaya.
Inaprubahan ng House Committee on Labor and Employment sa ilalim ni Rep. Enrico Pineda (Party-list, 1 PACMAN) ang House Bill No. 1343, “seeking to provide health, retirement, and other benefits to golf caddies and other related service workers.”
Ipinaliwanag ni Rep. Mark Go (Lone District, Baguio City), may-akda ng panukala, na ang isang caddie ay itinuturing b i l a n g “ i n d e p e n d e n t contractor”, ibig sabihin siya ay self-employed kung kaya hindi nakatatanggap ng ano mang benepisyo o perks mula sa asosasyon o pagtatrabaho sa golf club.
Itinatakda ng panukala, na ang mga caddie ay masasaklaw ng Social Security System (SSS), Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund, at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kapag sila’y may accreditation ng golf club management.
Nagpahayag ng suporta ang SSS at Pag-IBIG sa panukala sa pamamagitan ng kanilang mga kinatawan na dumalo sa pagdinig.
-Bert de Guzman