ROME (Reuters) - Ang bilang ng mga namatay sa outbreak ng coronavirus sa Italy ay umakyat sa 627 para sa kabuuang 4,032, sinabi ng mga opisyal nitong Biyernes, tumaas ng 18.4% - ang pinakamalaking daily rise sa absolute terms simula nang lumutang ang contagion isang buwan na ang nakalipas.
Nitong Huwebes, naungusan ng Italy ang China bilang bansa na nagrehistro ng pinakamaraming namatay mula sa highly contagious respiratory disease.
Ang kabuuang bilang mga kaso sanItaly ay umakyat sa 47,021 mula sa nakalipas na 41,035, tumaas ng 14.6%, sinabi ng Civil Protection Agency.
Sa most complete analysis ng outbreak na nailathala, sinabi ng national health institute (ISS) na ang average age ng mga namatay ay 78.5 anyo, na ang pinakabatang biktima ay nasa edad 31 at ang pinakamatanda ay 103. Ang median age ay 80.
May 41% sa lahat ng mga namatay ay nasa edad 80-89, habang 70-79 age group ang bumubuo sa 35%.
Ang Italy ang may oldest population sa mundo kasunod ng Japan, na may 23% ng mga tao na nasa edad mahigit 65. Sinabi ng medical experts na ang demographics na ito ang maaaring magpapaliwanag kung bakit ang bilang ng mga namatay dito ay mas mataas kaysa alinmang bansa sa mundo.
Sa ISS report, batay sa survey ng 3,200 sa mga namatay, sinabi na ang kalalakihan ang bumubuo ng 70.6% sa mga namatay at 29.4% ang mga babae. Ang median age para sa kababaihan na nasawi ay 82 laban sa 79 para sa kalalakihan. Kung ikukumpara, ang median age ng mga nasuring positibo ay 63.
Sa mas malalim na analysis ng 481 sa mga nasawi ay nagpapakita na halos 99% sa kanila ay mayroong isa o mahigit pang kondisyong medikal bago mahawaan ng virus. May 48.6% ang mayroong tatlo o mahigit pathologies.
Ang kabuuang 73.8% ay may high blood pressure, 34% ang may diabetes at 30.1% ang may sakit sa puso.
Sa naipasok sa ospital, 76% ay ang may lagnat, 73% ang nahirapang huminga, 40% ay nagkaroon ng ubo at 8% ang maybdiarrhea.
Ang median time mula sa pagsisimula ng unang mga sintomas at sunod na pagkamatay ay walong araw, na may median time na iginugol sa ospital ay apat na araw.
Sa 3,200 pagkamatay na ni-review sa survey, siyam lamang ang nasa edad 40 anyos pababa, at lahat ay lalaki