Naglakad si Pope Francis sa abandonadong mga lansangan ng Rome nitong nakaraang Linggo at nagtungo sa dalawa shrines at doo’y nananalangin para sa pagwawkas ng coronavirus pandemic na partikular na pinakamarami ang nasawi sa Italy, kasunod ng China.
Ang Europe ang naging epicenter ng pandemic, ayon sa World Health Organization (WHO), matapos itong humupa sa China.
Binaybay ng Papa ang mga kalyeng walang tao patungo sa Basilica of Santa Maria Maggiore, at sunod na tinungo angbSt. Marcello Church, para magdasal sa harap ng crucifix na ginamit sa prusisyon nang tamaan ng plaque ang Rome noong 1522.
Ang Black Death na tumama sa Europe mula 1348 hanggang 1350 ay pumatay ng halos one-third ny populasyon ng Europe ng mga panahong iyon. Kumalat ito sa iba pang panig ng mundo, kabilang na sa Asia kung saan pinatay nito ang hanggang 80 porsiyento ng mga tao sa Chinese province ng Hubei.
Ito ang parehong lalawigan na ang kabisera ay ang Wuhan, kung saan nagsimula ang kasalukuyangbCOVID-19 pandemic nitong huling bahagi ng 2019.
Tumama ang pangalawang plaque sa Europe makaraan ang dalawang siglo, ang unang bugso ay tumama noong 1520-29, ang pangalawa noong 1533-40, at ang pangatlo noong 1552-68. Ang plague na ito ay nagsimula sa eastern Mediterranean Sea, at sunod na kumalat sa kanluran ng Greece at Italy.
Ayon sa Venetian report nang mga panahon na iyon, ang plague ay pumapatay ng 200 katao bawat araw. Idinaos ang mga panalangin at prusisyon sa mga bayan at lungsod ng Italy na tinamaan ng plague.
Sa Rome, isinama sa isang prusisyon ang crucifix na nakaligtas hanggang ngayon — ang crucifix kung saan nanalangin di Pope Francis nitong nakaraang Linggo sa St. Marcello Church.
Sinabi ng Vatican na ang Holy Week services sa susunod na buwan ay babawasan dahil sa next month pandemic.
Ang Linggo ng Palaspas, na ginugunita ang matagumpay na pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, ay tradisyunal na ipinagdiriwang sa St. Peter’s Square sa Vatican na dinasaluhan ng may libu-libong tao na nagwawagayway ng mga sanga ng palmera, habang ang Way of the Cross procession sa Biyernes Santo ay isinasagawa sa paligid ng matandang Colosseum sa Rome.
Ito at ang mga serbisyo sa Linggo ng Pagkabuhay Easter Sunday ay isasagawa na dadaluhan ng iilang kinatawan ng mga grupo. Haharapin natin ang parehong problema sa pagdiriwang natin ng Semana Santa simula sa Linggo ng Palaspas sa Abril 5 at magtatapos sa Linggo ng Pagkabuhay sa Abril 12.
Ang Metro Manila at ang buong Luzon ay nasa ilalim na ngayon ng quarantine, kasama ang marami pang mga probinsiya sa Visayas at Mindanao.
Itinigil ang mga trabaho sa maraming opisina ng gobyerno, at pribadong kumpanya, at ang lahat ay tinatawagan na iobserba ang “social distancing” o iwasan ang physical contact sa ibang tao.
Ang quarantine na ito ay ipatutupad hanggang sa Abril 14.
Ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ay kinansela ang tradisyunal na mga aktibidad sa Semana Santa, tulad ng Visita Iglesia, Siete Palabras, at tradisyunal na paghalik sa krus sa mga simbahan.
Tunay na kakaiba ang pagdiriwang ng Semana Santa ngayon para sa mga Kristiyano sa buong mundo, tulad ni Pope Francis, na mag-iisang mananalangin sa panahong ito ng pagsubok.