Walang balak si opposition Senator Leila de lima na sumailalim sa coronavirus disease test, katulad ng kanyang mga kapwa-senador, dahil matagal naman umano siyang naka-quarantine.
Aniya, ang test kit na nakalaan sa kanya ay ipagamit na lang sa ating mga kababayan na higit na nangangailangan dahil tiyak naman na wala umano siyang virus.
“Just to be clear. I will not join my colleagues to be tested for COVID-19. I have been relatively in involuntary quarantine for the past 3 years. With God’s grace, I remain healthy,” aniya.
Sinabi pa nito na dahil sa kakulangan ng test kits, kailangang unahin ang mga Persons Under Investigation at Person under Monitoring o mga asympthomatic patients o kaya naman ang mga nasa front line.
-Leonel M. Abasola