APEKTADO ng todo sa krisis na dulot ng coronavirus (COVID-19) sa PBA ang manggagawang arawan ang trabaho.
Kabilang na sa mga ito ang mga game day personnel ng Philippine Basketball Association dahil sa ginawang suspensyon ng liga ng kasisimula pa lamang halos na Season 45.
Kaugnay nito, nangako ng tulong si Alaska head coach Jeffrey Cariaso para sa mga nasabing apektadong PBA personnels.
Kahapon, sa pamamagitan ng kanyang social media a c c o u n t , n a n g a k o na magbibigay ng donasyong P100,000 si Cariaso.
“These individuals are the hard working people behind the scenes that allow players and teams to showcase what we do best. They complete the platform and pave the way each and every play date,”ani Cariaso sa kanyang post.
“My goal is to make up for at least two months worth of wages for those individuals relying heavily on the games,” dagdag nito.
Nauna ng nagpost si Cariaso at nangako ng tulong sa mga nasabing mga trabahante ng liga bilang tugon sa naging post ni league chief statistician Fidel Mangonon hinggil sa kondisyon ng mga ito dahil sa ginawang suspensiyon ng liga.
Bukod kay Cariaso, kabilang sa mga nangakong magbinigay ng tulong sina NLEX ace guard Kiefer Ravena at sina Nico Salva at Cliff Hodge ng Meralco.
-Marivic Awitan