Ang outbreak ng sakit na dulot ng bagong coronavirus ay nagtaas ng mga katanungan tungkol sa phenomenon na kilala bilang “herd immunity” at kung maaari itong magkaroon ng papel paano uumusad ang pandemic.
Narito ang ilang insights mula sa infectious disease specialists:
Ang herd immunity ay tumutukoy sa isang sitwasyon kung saan may sapat na tao sa isang populasyon na mayroong immunity sa isang impeksiyon upang epektibong mapigil ang pagkalat ng sakit.
Para sa herd immunity, hindi mahalaga kung ang immunity ay nagmula sa pagbabakuna, o mula sa mga taong nagkaroon ng sakit. Ang mahalaga ay sila ay naging immune.
Sa bagong coronavirus infection — tinatawag na COVID-19 — habang parami nang parami ang mga taong nahawaan, parami ng parami ang mga tao na gagaling at magiging immune na sa future infection.
“When about 70% of the population have been infected and recovered, the chances of outbreaks of the disease become much less because most people are resistant to infection,” sinabi ni Martin Hibberd, professor ng Emerging Infectious Disease at the London School of Hygiene & Tropical Medicine.
“This is called herd immunity.”
Makakaapekto ba ito sa COVID-19 pandemic?
Sa bagong coronavirus outbreak, ang kasalukuyang ebidensiya ay anagpapahiwatig na ang isang infected na tao sa average ay nakakahawa ng dalawa hanggang tatlong iba pa. Nangangahulugan ito na kapag isinagawa ang mga hakbang tulad, gagana ang herd immunity kapag nasa 50% at 70% ng population ay immune.
“But it doesn’t have to be –- and it won’t be –- this way,” sinabi ni Matthew Baylis, professor sa Institute of Infection, Veterinary and Ecological Sciences at Liverpool University.
Sa pagbawas sa bilang ng mga tao na nôahahawaan ng isang indibidwal — sa pamamagitan ng social distancing measures gaya ng pagsasara ng mga eskuwelahan, working from home, pag-iiwas sa malalaking pagtitipon at madalas na paghuhugas ng kamay — ang punto kung saan ang paggana ng herd immunity ay maaaring mapababa.
“From an epidemiological point of view, the trick is to reduce the number of people we are in contact with ... so that we can drive down the number of contacts we infect, and herd immunity starts earlier,” sinabi ni Baylis.
Ang “sweet spot” idinagdag niya ay kapag ang isang infected person ay nahahawaan, on average, ang isa o mas mababa pa kaysa isang tao.
-Reuters