Naglunsad ang U.S. researchers, sinusundan ang lead ng scientists sa ibang bansa, ng mga pag-aaral upang alamin kung ang widely-available, low-cost generic drugs ay maaaring gamitin para makatulong na lunasan ang sakit na dulot ng bagong coronavirus.

Sa kasalukuyan ay walang mga bakuna o lunas sa nakakahawang COVID-19 respiratory illness, at ang mga pasyente ay tumatanggap lamang ng supportive care sa ngayon.

Ngunit ang 1,500-person trial, pinamumunuan ng University of Minnesota, na sinimulan ngayong linggo upang malaman kung ang malaria treatment na hydroxychloroquine ay kayang pogilan o bawasa ang severity ng COVID-19. Dalawa pang ibang trials ang pinag-aaralan ang blood pressure drug na losartan bilang possible treatment para sa sakit.

Ang malaria drug, sinusubukan na rin sa China, Australia at France, ay inilako nitong unang bahagi ng linggo ni Tesla Chief Executive Elon Musk, na gumaling sa malaria noong 2000 matapos inumin ang gamot. Bukod sanpagkakaroon ng direct antiviral effect, sinu-suppress ng hydroxychloroquine ang production at release ng proteins na sangkot sa inflammatory complications ng ilang viral diseases.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“We are trying to leverage the science to see if we can do something in addition to minimizing contacts,” sinabi ni Dr. Jakub Tolar, dean ng University of Minnesota Medical School atbvice president for clinical affairs. “Results are likely in weeks, not months.”

Karamihan ng mga tao na nahawaan ng bagong coronavirus ay nagkakaroon lamang ng mild flu-like symptoms, ngunit halos 20 percent ay maaaring magkaroon ng mas malalang sakit na maaaring mauwi sa pneumonia na nangangailangan ng hospitalization.

Ang fast-spreading virus, na lumutang sa China noong Disyembre at ngayon ay nasa mahigit 150 bansa na, ay humawa sa mahigit 214,000 at pumatay ng mahigit 8,700 katao sa buong mundo, kabilang ang 145 sa United States.

Sinabi ng mga eksperto na aabutin ng isang taon o mahigit pa para magkaroon ng handang preventive vaccine, kayat kailangang -kailangan ang epektibong treatments