NAGPALABAS bg medical guidelines ang Philippine Sports Commission (PSC) para sa mga atletang basa ilalim ng kanilang pangangalaga sa Philsports Complex.
Ang naturang alituntunin ay base sa Proclamation 929 at 922 buhat sa Malacañang na ipinalabas nitong Lunes. Ang PSC Medical Scientific Athlete Services (MSAS) unit ang mismong nagpalabas ng kautusan kahapon para sa lahat ng NASA ilalim ng oangangalaga ng ahensiya, atleta man o empleyado.
Kabilang sa naturang alituntunin ang paglimita sa pakikisalamuha sa tao o ang tinatawag na social distancing. Ang mahigpit na pananatuli sa loob ng bahay o home quarantine observation, at ang pagiwas sa oaglabas-labas sa paligid ng nasabing complex.
“Despite the challenges, we will do our best to assist those within our premises” pahayag NG PSC Chief na si William Ramirez. Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit na 30 atleta at mga coaches ang nanatili sa mga dormitoryo ng Philsports Complex, Pasig City.
Kabilang ang mga medical personnel at mga skeletal force sa mga nangangalaga sa mga pangangailangan ng mga naiwan sa Philsports gaya ng kanilang seguridad, pagkain, kalinisan kung saan araw araw silang pumapasok sa tanggapan upang masubaybayan ang sitwasyon.
Ang mga atleta at mga coaches na nasa mga dormitoryo ay punapayagang na hanggang Isa o dalawang kilometro dapat ang pagitan.
Sinuman ang galing sa mga bathe kamakailan at kahit saan man nagmula ay oinapayuhan na magsuot ng mask na ibinigay ng Medical Unit.
Ayon kay Chief of staff Marc Velasco oinakiusaoan umano nila ng lahat na manatili sa kani- kanilang mga kwarto at kung nasa sa nutrition room naman ay maghiwalay muna hangga’t maari.
Patuloy din ang pagsusuri sa mga temperature ng mga nakatira sa Philsports upang masiguro na walang may lagnat sa mga ito.
-Annie Abad