SA kabila ng pansamantalang pagpapasar a ng mga pasilidad ng Philippine Sports Commission (PSC), siniguro naman ni chairman William “Butch” Ramirez na patuloy ang serbisyo nito sa mga national athletes.

N a g b i g a y ng tagubilin si Ramirez sa ilang opisayles ng ahensiya na ipagpatuloy ang pagpapadala ng mga pangangailangan ng mga atleta, sa kabila ng ipinatupad na community quarantine kamakailan.

“ T h e s e a r e e x t r a o r d i n a r y times which call for extraordinary commitment and service from all of us,” pahayag ng PSC chief.

Ayon sa kanya, patuloy ang pag-alalay ng PSC sa mga atleta at coaches lalo na yung nanatiling tumutuloy sa Philsports Complex sa Pasig City.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Kamakailan ay nag-anunsiyo ng locked down ang ahensiya sa kanilang mga pasilidad sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at Philsports Complex sa Pasig City.

P i n a y u a h a n ang mga atleta na naninirahan duon na umuwi muna sa kani-kanilang mga pamilya, habang ang ilang mga atleta na hindi kayang umuwi ay pinatuloy naman sa dormitoryo ng Philisports kung s a a n b i b i g y a n s i l a ng kanilang pangangailangan, gaya ng pagkain, mga libangan at lalo na ang medical monitoring.

Kabuuang 2 8 atleta ang napilitan na manatili sa nasabing dorminitoryo gayung naubusan ang mga ito ng tiket upang makauwi sa kani-kanilang probinsya, kasama ang apat na Filipino coaches at dalawang Korean coaches ng fencing, boxing, athletics at anim na para-sports.

Pinangasiwaan ni Acting Executive Director Merlita Ibay ang kalinisan ng dalawang nasabing venues pati na ang pag-assiste sa mga atleta na umuwi, sa pagbili ng kanilang mga tiket.

Ang mga Deputy Executive Directors naman na sina Atty. Guillermo Iroy at Simeon Rivera, ang maniniguro naman na may mga naka abang na tauhan para sa kung anumang medical emergency, mga pagpapadala ng mga pangangailanagn sa pasilidad pati na ang pangangasiwa sa mga sweldo at mga allowance ng mga national coaches at mga atleta.

I t o a n g mga k a s i g u r u h a n na ipinapatupad ngayon ni Cairman Ramirez sa loob ng PSC, upang maisa-alang-alang ang kaligtasan ng mga mga atleta ng bayan, mga coaches pati na ang mga empleyado.

“We all increase our susceptibility when we go out of our homes, but we also know that there are very basic services that we need to deliver. I appreciate the sacrifice of our officers and staff to brave the risk to work on these things. Ito talagang para sa inang bayan,” ani Ramirez.

-Annie Abad